Mt. Tumantangis & Other Poems on
Sulu
by Isnani
The Growing
Dawn
The Waves of Sulu
The Calm
Arrivals
Mt. Tumantangis
The Warrior
The System
Where Feeds The Mind
An Uneventful Day
Abunnawas Retold
Poem For The Twigs
Silent Verses
by Dias
Fiasco
The Actions Of The Fox
More Words, Just Words
Town Asleep
The Closing Of The Eye
Mga Tula Ni
Paring Bert
by Albert E.
Alejo, SJ
Mayuming Ikebana Sa
Madugong Dabaw
Panghihinayang Sa Patay
Na Diktador
Ang Katotohanan Ay
Ilog-Dabaw
Sanayan Lang Ang
Pagpatay
|
Ang Katotohanan Ay Ilog-Dabaw
Ang katotohanan ay parang tapon:
Ilubog mo't lulutang din
Pagdating ng panahon.
Kasabihang Ifugao
Ang katotohanan ay ilog-Dabaw:
Higit itong nakauunawa
Sa anyo ng taong nasa pagitan
Ng buhay at kamatayan,
Dinig nito ang unang lagutok ng bungo,
Saksi nito ang huling pulandit ng dugo
Sa dilim, sa tabing damuhan.
Ang katotohanan ay ilog-Dabaw:
Sinapupunan itong tapunan
Ng sanggol na bangkay;
Nilalanggas nito ang walat na ari
At binabanlawan ang duguang panloob
Ng mga babaeng dinaan sa dahas
At itinapon sa ilalim, sa kaburakan.
Ang katotohanan ay ilog-Dabaw:
Iniluluwa nito sa liwanag
Ang ipinalamon sa dilim;
Isinusuka sa ibabaw
Ang nilunok nang walang pagtikim,
Ikinapamimilipit ng bituka
Ikinaduduwal ng sikmura't lalamunan
Ikinauurong ng dila't ikinahihilam ng mata
Ang pilit na paglulon at pagkuyon
Sa malansa at makunat na kasinungalingan.
-
Albert E. Alejo, SJ |
|